Sa hangaring makatulong sa komunidad, nagsagawa ng pamamahagi ng food packs ang 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽 𝗠𝗼𝗿𝗿𝗶𝘀 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗲 𝗧𝗼𝗯𝗮𝗰𝗰𝗼 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗠𝗙𝗧𝗖) sa Brgy. San Pablo, Borongan City, na personal na dinaluhan ni Eastern Samar Gov. RV Evardone, kasama ang mga kinatawan ng PMFTC na sina Sheila Mae Zapanta at Kelvin Robino.
Ipinahayag ni Gov. Evardone ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa PMFTC dahil sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa lalawigan, lalo na sa mga programang direktang nakatutulong sa mga residente sa barangay.
Ayon sa gobernador, ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng matibay na ugnayan ng pamahalaang panlalawigan at ng pribadong sektor para sa kapakanan ng mamamayan.
May kabuuang 500 food packs ang ipinamahagi sa mga residente ng Brgy. San Pablo.
Pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor ang ipinamalas ng inisyatibang ito upang patuloy na maihatid ang tulong sa mamamayan ng mga nasabing lugar.