Provincial Government of Eastern Samar

Provincial Government of Eastern Samar

๐๐Œ๐…๐“๐‚ ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐Ÿ“๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Ÿ๐จ๐จ๐ ๐ฉ๐š๐œ๐ค๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง ๐๐š๐›๐ฅ๐จ, ๐๐จ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

by | Jan 22, 2026 | News, Social Welfare

Sa hangaring makatulong sa komunidad, nagsagawa ng pamamahagi ng food packs ang ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐˜€ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐—ง๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—ฃ๐— ๐—™๐—ง๐—–) sa Brgy. San Pablo, Borongan City, na personal na dinaluhan ni Eastern Samar Gov. RV Evardone, kasama ang mga kinatawan ng PMFTC na sina Sheila Mae Zapanta at Kelvin Robino.
Ipinahayag ni Gov. Evardone ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa PMFTC dahil sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa lalawigan, lalo na sa mga programang direktang nakatutulong sa mga residente sa barangay.
Ayon sa gobernador, ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng matibay na ugnayan ng pamahalaang panlalawigan at ng pribadong sektor para sa kapakanan ng mamamayan.
May kabuuang 500 food packs ang ipinamahagi sa mga residente ng Brgy. San Pablo.
Pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor ang ipinamalas ng inisyatibang ito upang patuloy na maihatid ang tulong sa mamamayan ng mga nasabing lugar.

Latest News